Puro Bato na Ba ang mga Unipormado?
Ang mga Militar at Pulis sa Bingit ng Pagbabagong Konstitusyonal
10 Abril 2018 (Martes), 1:00 – 4:00 n.h.
Benitez Theater, College of Education
University of the Philippines-Diliman
Mga Kumpirmadong Tagapagsalita:
RODOLFO G. BIAZON
Chief-of-Staff, Armed Forces of the Philippines, 1991
Senator, 1992-1995, 1998-2010
GARY C. ALEJANO
Captain, Philippine Marine Corps
House Representative
Magdalo para sa Pilipino Partylist
FRANCISCO ASHLEY L. ACEDILLO
First Lieutenant, Philippine Air Force
President, Institute of Policy, Strategy and Developmental Studies Inc.
(Please click HERE for Mr. Acedillo's paper)
GARY C. ALEJANO
Captain, Philippine Marine Corps
House Representative
Magdalo para sa Pilipino Partylist
FRANCISCO ASHLEY L. ACEDILLO
First Lieutenant, Philippine Air Force
President, Institute of Policy, Strategy and Developmental Studies Inc.
(Please click HERE for Mr. Acedillo's paper)
Tungkol sa Forum:
Kung bubuwagin ang kasalukuyang Saligang Batas, ano ang gagabay sa sandatahang lakas at pambansang pulisya na manatiling tapat sa bansa at sa sambayanang Filipino?
At ang singhalagang tanong: kung ang pagpapalit ng konstitusyon mauwi na naman sa pagkakaluklok ng isang diktador, magiging para kanino ang mga militar at kapulisan?
Nakatala sa kasaysayan ng bansa ang pagkahubog ng mga pinunong unipormado na isinanla ang kanilang sarili sa supremong pinuno gaano man ito kabaluktot kapalit ng pagdami ng estrelya sa kanilang balikat at buhay na ubod-rangya matapos manungkulan. Para masigurong hawak ang marahas na pwersa ng estado, kalakaran sa mga diktador ang magkaroon ng mga sarili nilang bata sa loob ng mga institusyong militar. Ang mga pinakapaborito, pinagkakalooban pa ng espesyal na kapangyarihan. Pinamumutiktik rin ng mga retiradong sundalo at pulis ang kawanihan ng diktadura. Pero sa parehong kasaysayan makikita rin ang mga lider mula sa kapulisan at sandatahang lakas na nakipagbasag-ulo sa kanilang mismong commander-in-chief sa punto ng prinsipyo. Ang iba nagiging lider ng pwersang oposisyon.
Layunin ng forum na ito na pakinggan ang ilan sa mga natatanging lider militar na dumaan sa ganitong pagsubok. Batay sa kanilang karanasan at natutunang aral sa mahabang panahon ng paglilingkod nila sa bayan, anong mga oportunidad at panganib ang nakaamba ngayon sa pinanggalingan nilang institusyon? Ano ang nakikita nilang magiging tugon ng kapulisan at ng sandatahang lakas? Ano ang ibubunga sa bayan ng mga tugon na ito?
Marahas at makapangyarihang makinarya ng estado ang pinapatakbo ng mga kawal at kapulisan. Sa kanilang papel bilang tagapagtanggol ng bayan kaya nila itong ipanggapi ng kaaway. O gawing teribleng instrumento para siilin ang taumbayan. Kung hindi uusisain ng lipunang kanilang dapat pinaglilingkuran ang kanilang mga layunin at katapatan, parang tinalikuran na rin ng lipunang ito ang katotohanang sa isang demokrasya lagi’t lagi na at sa lahat ng panahon dapat nananaig ang awtoridad na sibilyan sa awtoridad na militar. Utak bato lamang ang aayaw sa ganitong reyalidad at mas pipiliin ang buhay na dinidiktahan lamang ng isang lider na dinadakila.
---
Ang public forum na ito ay LIBRE at BUKAS SA LAHAT. Para sa unang forum ("Matotokhang ba ang 1987 Constitution?") ng series na ito, bisitahin ang post na ito.
PHOTOS
PHOTOS