Google
 

Sunday, February 07, 2016

Mindanao: Nationalism, Jihadism and Frustrated Peace (A Public Lecture)



The Asian Center, University of the Philippines Diliman will be hosting a public lecture, “Mindanao: Nationalism, Jihadism and Frustrated Peace” by Dr. Nathan Quimpo on Monday, 15 February 2016, 2:00 p.m. to 4:00 p.m. at the Seminar Room, Hall of Wisdom, GT-Toyota Asian Cultural Center, Asian Center, University of the Philippines Diliman. The lecture is free and open to the public; seating is available on a first-come, first-served basis. To reserve seats, please click here to sign up.

Organized by the UP Asian Center, UP Department of Political Science, and the UP Third World Studies Center, this lecture is based on Dr. Quimpo’s forthcoming article of the same title, which will be published in the Journal of Asian Security and International Affairs in April 2016. 


ABOUT THE LECTURE

This article examines why the decades-old Moro insurgency in Mindanao, southern Philippines, has remained difficult to resolve, and how recent international developments such as the jihadization of once secular ethno-nationalist movements and the rise of the Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) have influenced it. The author argues that jihadism made significant inroads in the Moro nationalist struggle already in the 1990s, way before 9/11, and that since 2007, a more moderate Islamism has gained ascendancy. He argues further that the Moro insurgency has remained intractable because of grave errors committed by the Arroyo and Aquino administrations; recurrent outbursts of anti-Moro hysteria incited by demagogic politicians; and a continuing weak third party role in the Mindanao peace process. He warns that the apparent collapse of the most recent peace pact between the government and the Moro Islamic Liberation Front (MILF) poses the danger of the possible rise of new ISIS-linked jihadist groups.


ABOUT THE LECTURER

Nathan Gilbert Quimpo, a long-time political activist in the Philippines before turning to an academic career, has taught at the University of the Philippines, University of Amsterdam and Sophia University (Tokyo), and is currently an associate professor of political science and international relations at the University of Tsukuba, Japan. Quimpo has authored Contested Democracy and the Left in the Philippines after Marcos (Yale University Southeast Asia Studies, 2008), co-authored Subversive Lives: A Family Memoir of the Marcos Years (Anvil, 2012), and published articles in Comparative Politics, Pacific Review, Asian Survey, Southeast Asian Affairs and Critical Asian Studies. His research and teaching interests include: democracy, democratization and democratic governance; conflict and peace studies; political corruption; and Southeast Asian politics.

Wednesday, January 20, 2016

FORUM 1 ng 2016 UP TWSC Public Forum Series


Malugod na iniimbitahan ang publiko na dumalo sa unang forum ng 2016 UP TWSC Public Forum Series na pinamagatang, "Anim na Tanong sa Anim na Taon: Ang mga Agham Panlipunan at Pilosopiya at ang Papalitang Rehimeng Aquino."

Tampok sila Dr. Nestor T. Castro ng Departamento ng Antropolohiya at Prop. Jay A. Yacat ng Departamento ng Sikolohiya bilang mga tagapagsalita sa forum na ito. Si Dr. Castro ay tatalakay sa estado ng mga karapatan ng mga katutubo sa kanyang, "Assessing the Status of Indigenous Peoples' Rights under the Aquino Administration." Si Prop. Yacat naman ay susuriin ang naging implementasyon ng mga karapatan ng kabataan sa ilalim ng administrasyong Aquino sa kanyang, "Filipino Children at the Margins: The State of Children's Rights Implementation under the Aquino Administration."

Gaganapin ang forum na ito sa ika-29 ng Enero 2016 (Biyernes), mula 2:00 hanggang 4:00 ng hapon, sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.


Para sa audiovisual recordings ng forum na ito, i-click ang link na ito.


MGA LITRATONG KUHA SA FORUM



















ANG 2016 UP TWSC PUBLIC FORUM SERIES
Anim na Tanong sa Anim na Taon: Ang mga Agham Panlipunan at Pilosopiya at ang Papalitang Rehimeng Aquino

May sapat bang nasasabi ang mga disiplina ng agham panlipunan at pilosopiya sa usapin ng pagpapalit ng administrasyon, sa pagtataya ng nagawa nito, at sa paghahanda para sa susunod? O naging mga “analyst”/“expert” na tagatingi na lamang ng sound bites ang mga akademiko sa mga TV news magazine shows? Nagiging palamuti na nga lang ba ang mga akademiko para sa mga balita na nangangailangan ng tagapagsalitang may autoridad para pagtibayin lamang ang mga litaw naman nang mga obserbasyon? Taga-tuon na lamang ba sila ng pansin ng publiko sa mga isyung ang pagiging napapanahon ay dikta ng news cycle at ng mga nilutong iskandalo? Hindi iilan sa mga kilalang akademiko ang may sariling pulpito sa midya, pero kadalasan reaktibo ang pagsusulat nila at ang pagsusuri ay minadali para makahabol sa init ng balita. May ilan pa ngang tahasang propagandista ng mga interes na pasimple o garapalan nilang pinagsisilbihan. 

Sinasabi ng UP Charter na bahagi ng serbisyo publiko ng unibersidad ang pagbibigay nito ng dalubhasa at teknikal na gabay sa pamahalaan, sa pribadong sektor, at sa lipunang sibil nang hindi ikinokompromiso ang panuntunan nito ng husay. Natutugunan ba ito ng mga akademikong taga-agham panlipunan at pilosopiya sa labas ng kundisyong itinakda ng midya? Ano ang masasabi ng mga disiplina sa yugtong ito ng pagpapalit ng mga nasa kapangyarihan? Nakabatay ang paniningil na ito sa pagpapalagay na nasa interes ng mga akademiko, lalo na ng mga nasa nasabing disiplina, na suriin ang kontemporaryong kalagayan ng lipunan. Pero tila napag-iiwanan na ang mga disiplinang ito at hindi makaambag sa paglikha ng bago at kritikal na diskurso tungkol sa mga napapanahong isyung panlipunan. Hiwalay na usapin rin kung naipapaunawa nga ba ang mga kritikal na pananaw na ito sa publikong dapat sana dito makikinabang.

Inilulunsad ng Third World Studies Center (TWSC) ang serye ng mga public forum na ito upang direktang tugunan ng mga disiplina at ng kanilang mga hinirang na akademiko ang kambal na hamon ng limitado, pili, at pilit na pampublikong pakikisangkot at ng inaasahang husay na dapat na dinadala nila sa mga isyung pampubliko na ginagarantiya ng UP Charter. Sa punto de bista ng bawat disiplina, paano ba dapat unawain ang pagtatapos ng isang rehimen at ang paglipat ng kapangyarihan tungo sa isa pa? Ano bang dapat mga parametro para sukatin ang nagawa, at hindi—pero dapat—ginawa ng bawat administrasyon? Sa forum series na ito ay bibigyan ng espasyo para talakayin sa publiko ng bawat disiplina—higit pa sa sound bites at timeliness ng isyu—nang may lalim at lawak ang mga isyu na sa kanilang palagay ay dapat napagtuunan ng patapos ng rehimeng Aquino at/o mapagtuunan ng hahaliling gobyerno sa 2016, ayon sa mga partikular na interes ng kani-kanilang disiplina. May partikular na urgency ang diskusyong ito, lalo pa’t nakataya dito ang pagpapatuloy ng mga tinaguriang repormistang polisiya ng kasalukuyang administrasyon. 

Pagpapatuloy ang public forum series na ito sa pagsasaligsig ng TWSC sa rehimeng Aquino. Noong 2011 ay nagkaroon ng forum series na sumubok pangunahan kung papaano patatakbuhin ni Aquino ang kanyang administrasyon. Pinamagatang “The B.S. Aquino Administration: Possible Perversities, Perverted Possibilities,” lumutang sa apat na forum sa serye na ito ang kalauna’y naging pangunahing pagkukulang ng administrasyon--ang hindi pagtupad sa mga matatapang na pangako ng reporma na siyang mismong nagpapanalo kay Aquino sa pagkapangulo. Napako nga ang mga pangako dahil sa pagpapabor ni Aquino sa mga “kaibigan, kaklase at kabarilan” bilang mga tao sa kanyang gobyerno at sa mismong pagpo-protekta sa kanila mula sa pag-uusig sa tuwing masasangkot sa mga anomalya (hal. sina dating DILG Undersecretary Rico Puno at dating PNP Director General Alan Purisima). 

Kaakibat rin na layon ng public forum series na ito na kasangkutin ang mga batang henerasyon sa paglikha ng bago at kritikal na diskurso sa mga isyung bumagabag sa kasalukuyang administrasyon at patuloy pa ring babagabag sa mga susunod. Ang talakayang ito ay inaasahang kokontra sa nakababahalang pag-arangkada ng mga grupo sa social media na nagsasabing Ginintuang Panahon ang mga taong nasa ilalim ang Pilipinas ng diktadurang Marcos—na kinabibilangan sa karamihan ng mga kabataang pumupuna sa mga pagkukulang ng administrasyong Aquino bilang munisyon sa pagbalewala sa mga alaala ng pang-aabuso ng diktadura at sa argumentong wala namang naidulot na kongkretong benepisyo sa bansa ang EDSA 1 at lalo pa ngang naghirap ang Pilipinas.

Thursday, January 07, 2016

TWSC Launches Its 2016 Public Forum Series


Anim na Tanong sa Anim na Taon:
Ang mga Agham Panlipunan at Pilosopiya at 
Ang Papalitang Rehimeng Aquino
Ang 2016 UP Third World Studies Center Public Forum Series
Enero - Abril 2016


Malugod na inaanunsyo ng Third World Studies Center ang UP TWSC Public Forum Series para sa taong 2016. Pinamagatang, "Anim na Tanong sa Anim na Taon: Ang mga Agham Panlipunan at Pilosopiya at ang Papalitang Rehimeng Aquino," gaganapin ang serye ng mga public forums na ito mula Enero hanggang Abril 2016, sa pagtatapos ng administrasyong Aquino at bago ang paghahalal ng bagong gobyerno.


Rasyunal

May sapat bang nasasabi ang mga disiplina ng agham panlipunan at pilosopiya sa usapin ng pagpapalit ng administrasyon, sa pagtataya ng nagawa nito, at sa paghahanda para sa susunod? O naging mga “analyst”/“expert” na tagatingi na lamang ng sound bites ang mga akademiko sa mga TV news magazine shows? Nagiging palamuti na nga lang ba ang mga akademiko para sa mga balita na nangangailangan ng tagapagsalitang may autoridad para pagtibayin lamang ang mga litaw naman nang mga obserbasyon? Taga-tuon na lamang ba sila ng pansin ng publiko sa mga isyung ang pagiging napapanahon ay dikta ng news cycle at ng mga nilutong iskandalo? Hindi iilan sa mga kilalang akademiko ang may sariling pulpito sa midya, pero kadalasan reaktibo ang pagsusulat nila at ang pagsusuri ay minadali para makahabol sa init ng balita. May ilan pa ngang tahasang propagandista ng mga interes na pasimple o garapalan nilang pinagsisilbihan. 

Sinasabi ng UP Charter na bahagi ng serbisyo publiko ng unibersidad ang pagbibigay nito ng dalubhasa at teknikal na gabay sa pamahalaan, sa pribadong sektor, at sa lipunang sibil nang hindi ikinokompromiso ang panuntunan nito ng husay. Natutugunan ba ito ng mga akademikong taga-agham panlipunan at pilosopiya sa labas ng kundisyong itinakda ng midya? Ano ang masasabi ng mga disiplina sa yugtong ito ng pagpapalit ng mga nasa kapangyarihan? Nakabatay ang paniningil na ito sa pagpapalagay na nasa interes ng mga akademiko, lalo na ng mga nasa nasabing disiplina, na suriin ang kontemporaryong kalagayan ng lipunan. Pero tila napag-iiwanan na ang mga disiplinang ito at hindi makaambag sa paglikha ng bago at kritikal na diskurso tungkol sa mga napapanahong isyung panlipunan. Hiwalay na usapin rin kung naipapaunawa nga ba ang mga kritikal na pananaw na ito sa publikong dapat sana dito makikinabang.

Inilulunsad ng Third World Studies Center (TWSC) ang serye ng mga public forum na ito upang direktang tugunan ng mga disiplina at ng kanilang mga hinirang na akademiko ang kambal na hamon ng limitado, pili, at pilit na pampublikong pakikisangkot at ng inaasahang husay na dapat na dinadala nila sa mga isyung pampubliko na ginagarantiya ng UP Charter. Sa punto de bista ng bawat disiplina, paano ba dapat unawain ang pagtatapos ng isang rehimen at ang paglipat ng kapangyarihan tungo sa isa pa? Ano bang dapat mga parametro para sukatin ang nagawa, at hindi—pero dapat—ginawa ng bawat administrasyon? Sa forum series na ito ay bibigyan ng espasyo para talakayin sa publiko ng bawat disiplina—higit pa sa sound bites at timeliness ng isyu—nang may lalim at lawak ang mga isyu na sa kanilang palagay ay dapat napagtuunan ng patapos ng rehimeng Aquino at/o mapagtuunan ng hahaliling gobyerno sa 2016, ayon sa mga partikular na interes ng kani-kanilang disiplina. May partikular na urgency ang diskusyong ito, lalo pa’t nakataya dito ang pagpapatuloy ng mga tinaguriang repormistang polisiya ng kasalukuyang administrasyon. 

Pagpapatuloy ang public forum series na ito sa pagsasaligsig ng TWSC sa rehimeng Aquino. Noong 2011 ay nagkaroon ng forum series na sumubok pangunahan kung papaano patatakbuhin ni Aquino ang kanyang administrasyon. Pinamagatang “The B.S. Aquino Administration: Possible Perversities, Perverted Possibilities,” lumutang sa apat na forum sa serye na ito ang kalauna’y naging pangunahing pagkukulang ng administrasyon--ang hindi pagtupad sa mga matatapang na pangako ng reporma na siyang mismong nagpapanalo kay Aquino sa pagkapangulo. Napako nga ang mga pangako dahil sa pagpapabor ni Aquino sa mga “kaibigan, kaklase at kabarilan” bilang mga tao sa kanyang gobyerno at sa mismong pagpo-protekta sa kanila mula sa pag-uusig sa tuwing masasangkot sa mga anomalya (hal. sina dating DILG Undersecretary Rico Puno at dating PNP Director General Alan Purisima). 

Kaakibat rin na layon ng public forum series na ito na kasangkutin ang mga batang henerasyon sa paglikha ng bago at kritikal na diskurso sa mga isyung bumagabag sa kasalukuyang administrasyon at patuloy pa ring babagabag sa mga susunod. Ang talakayang ito ay inaasahang kokontra sa nakababahalang pag-arangkada ng mga grupo sa social media na nagsasabing Ginintuang Panahon ang mga taong nasa ilalim ang Pilipinas ng diktadurang Marcos—na kinabibilangan sa karamihan ng mga kabataang pumupuna sa mga pagkukulang ng administrasyong Aquino bilang munisyon sa pagbalewala sa mga alaala ng pang-aabuso ng diktadura at sa argumentong wala namang naidulot na kongkretong benepisyo sa bansa ang EDSA 1 at lalo pa ngang naghirap ang Pilipinas. 


Ang mga Public Forum

Magkakaroon ng apat (4) na public forum sa serye, kung saan isang forum ang gaganapin sa bawat buwan mula Enero hanggang Abril 2016. Ang bawat departamento ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya ng UP Diliman ay iimbitahang magpadala ng isang kinatawan na maghahain ng anim na tanong, na maglalatag ng mga isyung panlipunan na sa palagay ng bawat disiplina ay karapat-dapat na pag-ukulan ng pansin—bagay na hindi naibigay, o kung ibinigay man ay hindi sapat, ng gobyernong Aquino—ng pamahalaan. Gugrupuhin ang mga kinatawang ito batay sa ipiprisintang mga tanong para maging tampok na tagapagsalita—dalawa (2) sa bawat isa—sa mga public forum ng serye. Magi-imbita rin ng tig-isang (1) reactor mula sa mga kaugnay na disiplina para magbigay ng iba at/o komplementaryong perspektiba sa mga isyung ihahain ng mga tagapagsalita. Pangunahing magiging audience ng mga forum ang mga mag-aaral na undergraduate ng UP Diliman at iba pang mga unibersidad at kolehiyo.


Ang Forum Series na ito ay suportado ng UP Padayon Public Service Office ng UP Office of the Vice President for Public Affairs. Ang presentasyon ng mga speaker sa apat na public forum ay itatampok sa UP sa Halalan website, na proyekto ng UP Padayon na naglalayong mapakinabangan ang kasanayan ng mga akademiko sa UP upang mapaabot sa publiko ang mga matalim at mas malalimang pagtalakay ng mga mahahalagang pambansang isyu na siya namang magiging impluwensiya sa mga desisyon ng mga botante sa Halalan 2016.

Wednesday, December 16, 2015

A Memorial to Dr. Benedict Anderson


BENEDICT ANDERSON: A MEMORIAL
22 December 2015 (Tuesday)
3:00 - 7:00 PM
Seminar Room, 2nd Floor, Asian Center
University of the Philippines-Diliman

(Please see this link for the audiovisual recording.)

The Asian Center, together with the Third World Studies Center, the Department of English and Comparative Literature, the Department of Political Science, and Anvil Publishing, Inc., invites the public to attend a memorial service for Dr. Benedict Anderson (1936-2015) on 22 December 2015, from 3:00 to 7:00 in the evening at the Seminar Room, 2nd Floor, Asian Center, UP Diliman.

Friday, December 04, 2015

CALL FOR PAPERS: Leprosy: History, Memories, Stigma and Human Rights


In commemoration of Leprosy Awareness Week held every February in the Philippines, the UP Department of History, Culion Sanitarium and General Hospital and the Sasakawa Memorial Health Foundation will hold an international conference titled “Leprosy: History, Memories, Stigma and Human Rights” on 17-18 February 2016 at the University of the Philippines in Diliman, Quezon City.

The conference aims to put at center stage the historical and social dimension of leprosy by harnessing perspectives from the different social sciences. 

We are inviting proposals for academic papers that tackle the conference theme through one of (but not limited to) the following topics:
  • History of a sanitarium in the Philippines (Culion in Palawan, Tala in Novaliches, West Visayas Sanitarium in Iloilo, Eversly Child Sanitarium in Cebu, Mindanao Central Sanitarium in Zamboanga City, Bicol Sanitarium in Naga, Camarines Sur)
  • Religious orders and their role in the sanitarium
  • Indigenous beliefs and leprosy
  • Leprosy and gender
  • Stigma among women and men
  • Memories of the disease and life in a sanitarium
  • Prominent figures in the history of leprosy in the Philippines
  • The economic costs of leprosy 
  • Geographical mapping of leprosy in the Philippines 
  • Creating spaces for leprosarias/architecture of leprosarias

Please send 300-400 word abstracts with your name, institutional affiliation, and contact information or any related queries to leprosy2016@gmail.com.

DEADLINE OF ABSTRACT SUBMISSION 1 January 2016
NOTICE OF ACCEPTANCE 7 January 2016
DEADLINE OF FULL PAPERS 1 February 2016