Google
 

Monday, February 26, 2018

Nangangailangan ang TWSC ng Isang Kawaksing Mananaliksik

Kailangang isumite ng interesadong aplikante sa twsc.updiliman@up.edu.ph o sa uptwsc@gmail.com ang pdf ng sumusunod:

  • liham ng aplikasyon na naka-address sa direktor ng TWSC;
  • kumprehensibong résumé;
  • diplomang nagpapatunay na nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas ng anumang kursong agham panlipunan o kaugnay nitong disiplina;
  • kopya ng mga gradong natanggap (TOR, TCG, o galing CRS); at
  • isang sanaysay sa Ingles na hindi hihigit sa 1,000 salita na sumasagot dito: describe a violent act and its nonviolent alternative.
Ilagay na subject ng inyong email: RA Aplikasyon Marso 2018.

Gagampanan ng mapipiling kawaksing mananaliksik ang mga sumusunod na gawain:
  • tagapag-ugnay ng proyektong “Violence, Human Rights, and Democracy in the Philippines,” kung saan siya tutulong sa pagpaplano at pamamahala ng mga gawaing pampananaliksik at administratibo;
  • kawaksing editor ng Kasarinlan: Philippine Journal of Third World Studies kung saan siya magsasagawa ng plagiarism check at paunang editoryal na pagsusuri sa mga isinumiteng papel, at magkacopyedit at layout ng mga papel na tinanggap at ilalathala;
  • at tumulong sa iba pang mga gawain ng TWSC. 
Para sa mga nasabing gawain tatanggap ang kawaksing mananaliksik ng kabuuang sahod na PHP 25,000.00.

Sa simula, tatlong buwan muna ang itatagal ng kontrata upang masubok ang kaangkupan ng napili sa trabaho. Sakaling magpakita ng husay at dedikasyon ang napili, bibigyan siya ng taunang kontrata.

Tatanggap lamang ng aplikasyon hanggang eksaktong 5:00 n.h., 22 Marso 2018.

No comments:

Post a Comment