MATOTOKHANG BA ANG 1987 CONSTITUTION?
Alamin ang sagot ng mismong mga miyembro ng 1986 Constitutional Commission na sina Ponciano Bennagen, Florangel Rosario Braid, Edmundo G. Garcia, at Wilfrido Villacorta.
Dumalo at makilahok sa isang malayang talakayan sa Benitez Theater, College of Education, University of the Philippines Diliman sa 23 Pebrero 2018 (Biyernes), mula 1:00-4:00 ng hapon. Si Propesor Randy David ang moderator ng public forum.
Sa pamamagitan ng forum na ito inilulunsad ang "Sa Bungad ng Diktadura? Ang 2018 Third World Studies Center Public Forum Series."
* * *
At the time of this forum we will be celebrating the thirty-second anniversary of the EDSA Revolution. The Filipino people still bears the consequences of this historic event. One of its foremost legacies is now the center of utmost scrutiny: the 1987 Constitution.
The members of the 1986 Constitutional Commission were not voted into office. Then president Corazon Aquino chose them. But they were able to write a constitution, that, as stated in its preamble, would be the basis of a “just and humane society” with a government “that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity, the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace.” This lofty aim we should understand in the context of the fall and dismantlement of an autocratic regime—a regime that through state forces ever loyal to a dictator hoping to cling eternally to power, imprisoned, tortured, and killed thousands—and the promise of a more democratic means of governance by the Aquino administration.
This forum considers the 1987 Constitution not a sacred text worthy only of veneration nor an outdated piece of paper easy to discard. Past administrations have tried to tinker with it. None succeeded. This is proof of the Constitution’s continuing potency and relevance and of its being a constant magnet to the power-hungry horde. It is under this very same constitution that Rodrigo Roa Duterte was sworn into the presidency. A president that refers to himself a dictator and a fascist. Sobriquets not belied by his continuing support for bloody purges of those he considers as the scum and dregs of society—a patent disregard of what the 1987 Constitution intends for a just and humane society.
Is this how the 1987 Constitution will end? Bludgeoned, bloodied, dead in a ditch, wrapped in a packaging tape with a sign that reads: ‘Wag Tularan.
Read
here the statement of some of the members of the 1986 Constitutional Commission. See
link as well for a summary of Dr. Wilfrido Villacorta's presentation.
Click
here for the video recordings of the public forum.
* * *
Sa Bungad ng Diktadura?
Ang 2018 Third World Studies Center Public Forum Series
Ngayon at sa mga susunod na taon, pilit na isasailalim sa mga ‘di pa nasubukang pagbabago ang Saligang Batas. Rerebisahin ito, babaguhin para umakma sa desinyo ng federalismo, at sa kung anupamang mga retoke at maniobra na hindi pa lantad sa ngayon. Nang huli nating sinubok ang ganitong sabay-sabay, magulo, at malabong mga pagbabago sa pinakabatayang batas ng ating bansa, nasamantala ang oportunidad para mailuklok ang isang diktador. Ano ang garantiya na natuto na tayo sa ating kasaysayan at malalagpasan natin ang ganitong panganib?
Nang mapatalsik ng Pag-aalsang EDSA ang diktadura ni Ferdinand Marcos, muling binuhay ng administrasyon ni Corazon Aquino ang mga institusyon ng demokrasya. Binuo ang Saligang Batas ng 1987 upang hindi na muling mapasailalim ang bansa sa isang pang diktadura. “Never Again” ang katagang inukit sa panahon bilang pananda sa tapang at determinasyon ng henerasyon ng mga Filipino na bumalikwas laban sa isang diktador.
Ngunit ang paglaya ay kalahati lamang ng walang katapusang pagkilos para sa demokrasya. Sa ‘di man ginusto o inasahang bunga, ang mga mismong institusyon na ito ay siya ring tinutuligsang nagkukulang o sira. Kaya sa seryeng ito ng mga pampublikong talakayan, nakatuon ang usapan sa batas at sa monopolyo ng dahas ng estado, ang mga pangunahing institusyon na agad na kokontrolin ng isang diktador, at kapag nakontrol na, ang pinakamahirap ding kalabanin ng taumbayan.
Sa unang forum, mapapakinggan ang pagsusuri at mga babala ng mga pangunahing nakakaalam ng diwa ng ating Saligang Batas ngayon—ang mga nagbalangkas nito. Sa ikinikilos ng kasalukuyang administrasyon, may mga palatandaan bang mababago ang kanilang isinulat upang bigyang-daan ang isa na namang mapang-abusong rehimen?
Sa ikawalang forum, tatalakayin, sa pangunguna ng mga dating miyembro ng Korte Suprema at mga iskolar ng konstitusyon, kung ano ang mga posibleng mangyari sa hudikatura kung ang Saligang Batas malagay sa purgatoryo ng mga emyenda o kung tuluyan itong palitan.
Sa ikatlo’t huling forum, maipapaliwanag ng mga dating naka-unipormeng tagapagpatupad ng batas kung ano-anong mga hamon ang haharapin ng kanilang institusyon sa oras na makulayan ng mga partikular na interes ang proseso ng pagpapalit o pag-iemyenda ng konstitusyon.
Kailangan nating usisain at papanagutin lagi, hindi lamang ang may hawak ng kapangyarihan, kundi kahit ang mga taong nagtalaga kung ano ang halaga at bisa ng kapangyarihang ito. Nagsisilbing okasyon ang kasalukuyang banta ng diktadura upang bigyang diin ang pagtitimbang na ito, at upang mabantayan ang mga nakaambang pandarahas sa mga demokratikong institusyon ng bansa.
PHOTOS