Ang Direksyon ni Duterte
25 Setyembre 2017, Lunes, 9:00 n.u. - 12:00 n.t.
Silid 207, Bulwagang Palma,
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya,
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya,
Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Narito ang mga video recordings ng public forum.
Sa harap ng mga pagkilos at paglawak ng mga tumutuligsa at tumututol sa pamamahala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, tila ikinakasa n’ya naman ang isang palabas kung saan magdideklara siya ng batas militar sa buong bansa. Kung nagpapatawa lang siya pagkatapos ng libo-libong patay sa giyera laban sa droga, pagkatapos niyang ipasailalim sa batas militar ang buong Mindanao at mapulbos ang Marawi, pagkatapos maipakita ng mayorya sa kongreso na hindi sila magiging sagabal sa paglawak ng kapangyarihan ng pangulo—maraming hindi natawa, mas marami ang hindi natuwa.
Kung magpapatuloy si Pangulong Duterte sa pamumunong astang siga na lulong sa dahas, takutan, at panggigipit gamit ang todong kapangyarihan ng estado, sino-sino ang magiging bida at supporting actor sa ilalim ng kanyang direksyon? Sino ang mga magiging kontrabida na tututol? Sino-sino naman ang mga maglalaro sa gitna at makikinabang sa haltakan ng mga interes at tagasunod? Makakaya at malalagpasan ba ito ng mga institusyong pulitikal at mga kilusang panlipunan o ng mga indibidwal na itinuring n’yang tinik sa kanyang lalamunan? Saang punto magkakatalusira ang mga alyansa at muling mababalasa ang kartada ng kapangyarihan sa bansa? Kaninong interes ang susulong sa sitwasyong ito? Kaninong pabulong na pakiusap o pasigaw na demanda ang mananaig? Sino ang mai-etsapwera sa direksyon ni Duterte? Sa pamamagitan ng mga piling tagapagsalita, layunin ng forum na ito na sagutin at malalimang talakayin ang mga tanong na ito.
Mga tagapagsalita:
Ang public forum na ito ay libre at bukas sa publiko.
- Miriam Coronel-Ferrer, Professor, Department of Political Science; Convenor, Program on Peace and Conflict Transformation, UP Center for Integrative and Development Studies
- Jose Antonio Custodio, Defense analyst; Curatorial consultant, Armed Forces of the Philippines Museum
- Ric Reyes, National Coordination Member, Revived Laban ng Masa
- Raissa Robles, Investigative journalist; Manila correspondent, South China Morning Post (Hindi nakadalo)
Ang public forum na ito ay libre at bukas sa publiko.
Mga litrato (kuha ni Christian Victor Masangkay):
Rappler coverage: "Nationwide martial law not sustainable – analysts"
Twitter Thread: Live Tweets
Ferrer: What's the difference from the past Cha-Cha? It happened at the start of the term. Ayan, nakabulagta.— Aika Rey (@reyaika) September 25, 2017
No comments:
Post a Comment