FORUM 4 ng 2016 UP TWSC Public Forum Series,
"Anim na Tanong sa Anim na Taon:
Ang mga Agham Panlipunan at Pilosopiya at ang
Papalitang Rehimeng Aquino"
Ika-26 ng Abril 2016 (Martes), 1:00 - 4:00 ng hapon
Silid PH 400, Palma Hall, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya,
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Malugod na iniimbitahan ang publiko na dumalo sa ika-4 na forum ng 2016 UP TWSC Public Forum Series na pinamagatang, "Anim na Tanong sa Anim na Taon: Ang mga Agham Panlipunan at Pilosopiya at ang Papalitang Rehimeng Aquino."
Tampok sila Dr. Ferdinand Llanes ng Departamento ng Kasaysayan, Dr. Jondi Flavier ng Linangan ng Populasyon, at Dr. Kristian Saguin ng Departamento ng Heograpiya bilang mga tagapagsalita sa forum na ito. Si Dr. Llanes ay magbibigay ng kasaysayan ng mga inisyatiba para sa pagtataguyod ng iba't ibang porma ng social justice sa ilalim ng administrasyong Aquino sa kanyang, "Some Indicators of Social Justice under the Aquino Administration." Si Dr. Flavier naman ay maglalatag ng kasalukuyang estado ng implementasyon ng Reproductive Health Law sa kanyang, "Reproductive Health Law: Challenges of Implementation." Isyu naman ng polisiya sa land use ang tatalakayin ni Dr. Saguin sa kanyang, "Governing Land Use: New Directions or More of the Same?"
Gaganapin ang forum na ito sa ika-26 ng Abril 2016 (Martes), mula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon, sa Silid PH 400, Palma Hall, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.
TUNGKOL SA MGA PRESENTASYON
Reproductive Health Law: Challenges of Implementation
Dr. Jonathan David Flavier, Senior Lecturer, Linangan ng Populasyon, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Sa pananaw ng nag-aaral ng bilang at pag-unlad ng mga Pilipino, parehong mayroong mga natugunan at napabayaan ang administrasyong PNoy sa mga usaping: (1) pangkalahatang kalusugan, (2) pangakong MDGs (Millennium Development Goals), at (3) pantay-pantay na kalusugan ng Pilipino. Ipapakita sa presentasyong ito ang mga figures ng mga kababaihang namamatay sa pagdadalangtao para maipaliwanag ang kahalagahan na mapunan ang pangangailangan nila ng edukasyon at gabay sa mga paraan sa pagpaplano ng pamilya. Layon din ng presentasyong ito na mailatag ang mga posibleng paliwanag sa likod ng kasalukuyang estado ng mga kababaihan at pamilyang Pilipino.
Governing Land Use: New Directions or More of the Same?
Dr. Kristian Saguin, Katuwang na Propesor, Departamento ng Heograpiya, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
A focus on land use offers a way to discuss various pressing issues that range from indigenous peoples’ land rights and urban housing tenure to food security, sustainable resource management and disaster risk reduction. In this presentation, I will examine efforts during the Aquino administration to formulate comprehensive national policies and introduce new modes of governance on land use. I will situate the progress and prospects of these efforts within the changing, sometimes contradictory, priorities of the administration.
Ang 2016 UP TWSC Public Forum Series ay may suporta ng Opisina ng Bise Presidente para sa Gawaing Pangmadla ng UP, Opisina ng Tsanselor ng UP Diliman, at ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, UP Diliman.
MGA KUHA MULA SA FORUM
Ang 2016 UP TWSC Public Forum Series ay may suporta ng Opisina ng Bise Presidente para sa Gawaing Pangmadla ng UP, Opisina ng Tsanselor ng UP Diliman, at ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, UP Diliman.
MGA KUHA MULA SA FORUM
No comments:
Post a Comment