Google
 

Tuesday, March 01, 2016

FORUM 3 ng 2016 UP TWSC Public Forum Series


Malugod na iniimbitahan ang publiko na dumalo sa ikatlong forum ng 2016 UP TWSC Public Forum Series na pinamagatang, "Anim na Tanong sa Anim na Taon: Ang mga Agham Panlipunan at Pilosopiya at ang Papalitang Rehimeng Aquino."

Tampok sila Prop. Jesus Federico C. Hernandez ng Departamento ng Linggwistiks at Prop. Roberto D. Tangco ng Departamento ng Pilosopiya bilang mga tagapagsalita sa forum na ito. Si Prop. Hernandez ay tatalakay sa kasalukuyang kalagayan ng ilang mga wika sa Pilipinas na nanganganib nang tuluyang maglaho sa kanyang, "Dapithapon ng Salita: Ang mga Nanganganib na Wika sa Pilipinas." Si Prop. Tangco naman ay maglalatag ng mga tanong para sa isang patapos ng administrasyon upang busisiin ang papel ng akademiko sa pagtataya ng mga pamahalaan sa kanyang, "What Can We Ask an Outgoing President Constitutionally Barred from Re-Election?"

Gaganapin ang forum na ito sa ika-16 ng Marso 2016 (Miyerkules), mula 9:30 hanggang 11:30 ng umaga, sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

Mapapanood ang recordings ng forum na ito dito. 


TUNGKOL SA MGA PRESENTASYON

Dapithapon ng Salita: Ang mga Nanganganib na Wika sa Pilipinas
Prop. Jesus Federico C. Hernandez, Departamento ng Linggwistiks, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, UP Diliman

Tatalakayin sa panayam na ito ang kasalukuyang kalagayan ng ilang mga wika sa Pilipinas na nanganganib nang tuluyang maglaho. Bilang produkto ng kasaysayan at ng pakikipagtungali sa hamon ng kapaligiran, ang bawat wika ay hindi lamang instrumento sa pagpapadaloy ng komunikasyon kundi sisidlan din ng kultura; kung kaya’t masasabing ang pagkamatay ng isang wika ay ang pagkawala ng isang buong sistema ng kaalaman. Batay sa mga nakalap na datos, obserbasyon, at mga kwento mula sa mga isinagawang fieldwork, ibabahagi din ang ilang mga posibleng dahilan o sanhi ng ganitong estado ng ilang wika sa Pilipinas, kasama na dito ang ilang mga pananaw tungkol sa wika, mga patakaran ng pamahalaan, at ang ilang polisiya sa edukasyon.

What Can We Ask an Outgoing President Constitutionally Barred from Re-Election?
Prop. Roberto D. Tangco, Departamento ng Pilosopiya, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, UP Diliman

Other than the biographer, the historian, the Ombudsman or political enemies there are it seems to me few who would be interested in what an outgoing president has to say about his or her 6 year term.  To begin with one would expect much of it to be defensive or self-serving; and, the received wisdom is that such a person is a lame duck president whose remaining days are of little consequence unless he or she was planning to scrap the elections and forcibly take over the government. But if one were to assume that the outgoing president, in this case Benigno Aquino III, would honestly and sincerely answer one’s questions then there is much to be learned from the exercise which can be packaged by academe for future leaders and government officials.  It will be the assumption made here.


MGA KUHA MULA SA FORUM












No comments:

Post a Comment