Google
 

Monday, June 27, 2016

TWSC Director Dr. Ricardo T. Jose Receives his 2016 UPAA Distinguished Alumni Award

The UP Third World Studies Center Director, Dr. Ricardo T. Jose received his 2016 University of the Philippines Alumni Association Distinguished Alumni Award in Historical Scholarship and Research at the UP Bahay ng Alumni last 25 June 2016.













Below is an excerpt from Dr. Jose's nomination for the award:

Dr. Ricardo T. Jose is the country’s preeminent scholar on the Second World War in the Philippines and the Asia-Pacific. A distinction he earned not only from his peers in the academe, both here and abroad, but also from the media and the public. He is also an expert in Japan-Philippine relations and the United States’s colonial rule of the Philippines. Dr. Jose’s preeminence in his chosen fields came about through his unparalleled devotion to excellent scholarship, his indefatigable intellectual curiosity coupled with meticulousness in research, and his generosity with his time and intellect....Awarding Dr. Jose with a Distinguished Alumnus Award not only affirms that his standards of scholarship are those that should be emulated, a true epitome of the academic values that the University stands for. Giving Dr. Jose such an honor affirms that for an alumnus of the national university, leading a life of the mind does not mean holing up in an ivory tower—it involves constantly finding ways to tie up one’s scholarly pursuits with the needs of the national community today and tomorrow.

Congrats Sir Rico!

Thursday, June 23, 2016

EIDR Research to be Presented at the 2nd Manila Urban Design Festival



Rard Daguio, JC Rosette, Johnson Damian, Dominic Aloc, and Dianne Olivan, members of the research team of the "The Mass Transit System in Metro Manila: From Tranvia to MRT, 1879-2014" will be presenting the study to the public at the 2nd Annual Manila Urban Design Festival (MUDF). This research is supported by the University of the Philippines Office of the Vice President for Academic Affairs' Emerging Interdisciplinary Research Grant (2015-2017) and is a collaboration between the Third World Studies Center and the Geography Department of the College of Social Sciences and Philosophy of the University of the Philippines and the National Center for Transportation Studies.

The presentation will be on 25 June 2016 (Saturday), from 1:00 to 3:30 PM, at the Curiosity Design Strategy, 2/F, 115 Maginhawa Street, Teachers Village East, Diliman Quezon City. Registration is FREE.

The presentation is part of a series of pop-up talks that will culminate the week-long MUDF.

For more details, please visit MUDF's official Facebook page here.

Wednesday, June 15, 2016

ANG BANGKAY NI DUTERTE

Isang Pampublikong Lamay para kay Pangulong Marcos Bago Siya Ipalibing ni Pangulong Duterte sa Libingan ng mga Bayani

1 Hulyo 2016 (Biyernes), 2:00 hanggang 5:00 ng hapon
Lobby, Palma Hall, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

Mga Tagapagsalita: Ricardo Jose, Raissa Robles, Ric Reyes, at Helen Mendoza

Moderator: Maria Ela L. Atienza


Access the recordings of the public forum HERE.


Karay-karay ni Pangulong Rodrigo Duterte papasok sa MalacaƱang ang nakakasulasok na usapin ng pagpapalibing sa dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ipapalibing n'ya raw si Marcos sa nasabing libingan dahil naging sundalo naman ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Totoong naging sundalo si Marcos sa panahong iyon. Pero anong klaseng sundalo? Sundalong nanraraket, sundalong nanggagantso, sundalong sinungaling, sundalong namemeke ng ranggo, sundalong nag-iimbento ng mga medalya at titulo, sundalong pinagpasasaan ang isyu ng mga beterano, sundalong kinatasan ang mga bayad-pinsala sa digmaan, sundalong dinambong sa mahigit dalawampung taon ang yaman ng bayan, sundalong binayoneta ang demokrasya. Lahat ng uri ng pagkasundalong ito ni Marcos, patutunayan ng mga respetadong iskolar, mamamahayag, at pampublikong intelektuwal na magsasalita sa forum na ito. Sa harap ng mga atras-abanteng pahayag ni Pangulong Duterte, pakinggan natin ang mga katotohanan ng kasaysayan na hindi nababawi o nababaluktot. Paano paghihilumin ni Pangulong Duterte ang pagkakahati ng mga Pilipino, kung gagawin niya ito sa pamamagitan ng pagpaparaya lamang sa kagustuhan ng “halos lahat ng Ilokano”? “Someone has to give” sabi niya. Pero bakit ang 70,000 na nakulong, 34,000 na tinortyur, 3,240 na pinatay, at ang kanilang mga pamilyang naulila ang kailangang ilang ulit pang magparaya? Hindi ba pantapal lang ni Pangulong Duterte ang layuning pagkaisahin ang bansa para mas mapagyaman pa ang pakikipagkaibigan niya sa mga Marcos? “Will it unite Filipinos? I don’t know, but I know there is one hatred I can erase,” sabi niya. Hindi ba’t buburahin rin ng pangulo ang malinaw na husga ng kasaysayan na ang rehimeng Marcos ay isa sa pinakamasahol na panahon sa ating kasaysayan? Hindi tiyak ni Pangulong Duterte na sa pagpapalibing na ito ay mapag-iisa niya ang bansa. Pero tiyak na sa pagbaon kay Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani magiging katanggap-tanggap ang kasinungalingan at ang pagiging mandarambong kabayanihan na rin. 

Sa forum na ito, walang palusot na biro lang ang mga pahayag, hindi kailangang hulaan ang kahulugan. Sa unang araw ng pagkaluklok n'ya sa panguluhan, samantalahin natin ang pagkakataong ito na magtipon at mag-usap bago n'ya tayo lahat masabihan ng, "Shut up!"


PHOTOS